Sa totoo lang ay maraming magandang i-adopt na mga katangian mula sa matatagumpay na negosyante. Ikaw na nga lang bahala sa kung alin ang swak base sa iyong sariling kakayahan, persona, o sitwasyon. Pero bukod sa mga ito, mahalaga ring matutuhan ang katangian ng isang entrepreneur na di nagtatagumpay.Sa ganitong paraan ay alam mo kung alin ang mainam mabago o iwasang makuha. Ang ilan sa katangian binanggit ko sa ibaba ay “ang pinaka” base sa pag-aaral, panayam o pakikisalamuha sa mga negosyante, at opinyon ni Hitokirihoshi. bow!
Puro lang ideya (Analysis Paralysis). May mga nagnenegosyo out of passion or personal advocacy. May strong background sila sa kanilang larangan. Maaaring nabasa na nila ang halos lahat ng best selling books or naka-attend na rinsa seminars on business ng mga great speakers. Pero bakit hindi sila nagtatagumpay sa negosyo?
Kasi yung awesome ideas or lessons nila ay walang konkretong aksyon. Tandaan na may pagkakataon na ang akala mong perfect strategy ay hindi pala swak sa negosyo. Just imagine, your wasted time and effort for studying something ineffective. Malalaman mo lang talaga ang tama at swak kung susubukan mo na, hindi sa isip sa lang.
Sige ng sige (Impulsive). Kabaliktaran ng puro ideya, ang katangian ng isang entrepreneur na sige ng sige o aggressive /impulsive. Ito iyong puro aksyon at bahala na kung anong mangyayari. Kahit mainam na may ginagawa, ang hirap kung hindi na talaga pinag-iisipan ang mga hakbang. Parang siyang bull o toro na makikita lang ng telang pula (pagkakitaan) ayos na. Ang hirap ng sige ng sige kasi mas nagmumukha talagang sugal ang pagnenegosyo sa kanya.
Sa praktikal na usapan ay hindi lang sales ang mayroon sa negosyong maunlad at matatag. Kailangan may konting feasibility study, inventory, accounting, o analysis report. Sa pamamagitan ng mga ito ay naitatama ang mali, napupunan ang pagkukulang, at mapapansin kung saan pa puwedeng pagbutihan.
Kinahon ng sariling pedestal (Hubris) Kumpara sa naunang dalawa ay may edge ang mga negosyanteng kinahon sa sariling pedestal o may egocentric. Nag-iisip at may aksyon naman kasi silang ginagawa. Ang problema ay mayroon silang “fixed mindset” na naglilimita sa kanilang paniniwala at hakbang sa pagnenegosyo. Palagi silang nakabase sa kanilang napag-aralan (masters or doctorate man), naranasan, o napagtagumpayan.
Malaking isyu ang ugali ito lalo na sa pagbabago sa merkado at pagnenegosyo. Sometimes, you need to level down or up and adapt based on what is necessary and effective. Alam mo ba na marami pa ring negosyanteng hindi naniniwala sa power ng digital marketing at social media marketing sa sales?
Patalastas
Ang mga kinahon sa kanilang pedestal ‘yong tipong kahit anong kumbinse mo na sumubok sa napatunayan naman ng epektibong business stratregy, hindi mo sila mapipilit. Iyan dahil lang sa ideyang ay hindi kasi nila alam o kaya negatibo silang komento. Please be aware na may tinawatawag na #blackswan o iyong hindi mo inaakala mangyayari o mayroon. Gayon din ng hindsight bias and other behavior biases.
By the way, ang fixed mindset ay isa sa tinukoy ni Carol Dweck sa kanyang librong “Mindset, the New Psychology of Success: How We Can Learn to Fulfill Our Potential.” Ang isa pa ay ang “growth mindset.”
Nakiki-ride on (Dependent). Ito ang katangian ng isang entrepreneur na nag-survive kung hindi iiwan, ilaglag, o lolokohin ng inaasahan n’yang business partner o best employees. Nakaasa lang kasi s’ya sa galing ng kanyang nakasasama.
Isa sa aral na makukuha sa book na E-Myth Revisited: Why Most Small Business Don’t Work and What to do about it” ni Michael Gerber ay mahirap ‘yong nakadepende ka sa ibang tao para gawin ang bagay na hindi mo magawa. Totoo naman na sa time, energy, knowledge, at skills ay di mo kaya na makuha ang lahat. Pero hindi ibig sabihih nito ay wag ka magha-hands-on sa pagnenegosyo o lahat ay imamando mo. Hanggang maaari bago mo ipaubaya o ipa-manage sa iba, kailangan mo munang gumawa ng sistema ayon Kay Gerber. At ang sistema na ‘yon ay HANDS-ON mong gagawin habang nasa starting phase ka ng iyong negosyo.
One-day millionaire. Maraming Pinoy na madiskarte, matalino at masipag…pero bulagsak sa pera o kulang sa money management. Madalas sakit ito ng mga minana o sinuwerte lang na magkanegosyo. Subalit, puwedeng mangyari ito sa kahit sinong nasilaw sa pagkita nang malaking pera. Kaya nga lalo na sa mga nagsisimula sa negosyo, mahalagang alam mong pamahalaan at palaguin ang iyong kinikita. Ika nga, money management is part of business management.
May kakilala ako na negosyante na matatag nang kompanya ang unti-unting nalugi dahil sa kanyang pagsusugal at iba pang kapritso. Bago pa iyon ay kabi-kabila na ang kanyang problema dahil sa pagkabaon sa utang at reklamo ng kanyang mga tauhan.
Gusto mo malaman kung ano at sino successful entrepreneur?
May post ako na mga Katangian ng Negosyante na Matagumpay