11 Katangian ng Isang Entrepreneur: Paano Maging Matagumpay na Negosyante (Tagalog) (2025)

Home » Entrepreneurship » 11 Katangian ng Isang Entrepreneur: Paano Maging Matagumpay na Negosyante (Tagalog)

Marahil ika’y isa sa mga nangangarap na magkaroon ng matagumpay na negosyo balang araw tulad ng mga kilalang negosyante na sina Henry Sy, Ayala, Gokongwei. Ano nga ba ang mga katangian ng isang entrepreneur, na taglay nila, na wala ang pangkaraniwang mamamayan? At paano nila naabot ang rurok ng tagumpay?

Bago ang lahat, mahalaga rin tandaan natin na ang tagumpay ng isang negosyo ay hindi nasusukat sa laki o liit nito. Sa katunayan, ang mga maliliit na negosyo ay itinuturing na dugong bumubuhay sa ekonomiya. Malaki ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Sa kanila nagsisimula ang pagkonsumo at nakapagbibigay sila ng trabaho sa mga maraming manggagawa.

Gayunman, lahat ay may kaakibat na hamon, malaki man o maliit na negosyo. Ngunit, maaari nating maiwasan ang ibang kamalian o maibsan kahit kaunti ang paghihirap sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga karanasan ng mga nauna sa atin. Ating alamin ang pagkakatulad ng mga matagumpay na negosyante.

11 Katangian ng Isang Entrepreneur: Paano Maging Matagumpay na Negosyante (Tagalog) (1)

Page Contents

Mga katangian ng isang matagumpay na entrepreneur

Para sa ilan, ang entrepreneur at businessman ay may magkaibang kahulugan. Ngunit, para sa ating layunin, ang dalawang nabanggit ay ating ituturing na magkasingkahulugan.

Ang ilan sa mga natatanging katangian ng isang matagumpay na negosyante ay ang mga sumusunod:

1. Nakatuon ang pag-iisip sa layunin

Ang mga kilalang negosyante ay laging nakatuon ang pag-iisip sa kanilang layunin. Lagi silang abala sa mga bagay o aktibidad na sa tingin nila ay makakatulong sa paglago ng kanilang negosyo.

Ang oras nila ay nakalaan lamang sa mahahalagang bagay tulad ng pamilya, kalusugan at negosyo. Mapili sila sa gamit ng kanilang oras at naniniwala sila na mas higit ang oras kaysa sa pera. Ang oras ay nauubos kasalungat ng pera.

2. Marunong makisimpatiya at may malasakit sa iba

Ang pagkakaroon ng simpatiya at malasakit sa iba ang nagbibigay oportunidad sa kanila paano maaaring makapagbigay serbisyo o makatulong sa paghihirap ng marami. Ang mga ganitong pagkakataon ay kadalasang nagbibigay daan sa pagsilang ng mga bago at malikhaing produkto o serbisyo. Ika nga, para kumita ng milyon, kailangan mo rin bigyan ng tulong o serbisyo ang milyong katao. Kaya sinasabi na ang halaga ng kita ay may direktang kinalaman sa lawak ng taong iyong natulungan o naserbisyohan.

Higit sa lahat tandaan na ang tagumpay ng negosyo ay nakasalalay kung gaano kahalaga ang kayang ibahagi nito sa tao. Dahil ang pagtangkilik sa isang produkto o serbisyo ay nakadepende sa kayang idulot na pagbabago sa pamumuhay o binibigay na kasiyahan sa tao.

3. Takot hindi umaksyon at harapin ang problema

Ang takot nila ay hindi nagmumula sa takot na magkamali. Bagkus mas takot sila hindi bigyan ng aksyon at harapin ang problema.

Para sa kanila, mas mainam na pagdaanan ang isang pagkakamali kaysa hayaan lamang ang problema at umasa ng magandang kahihinatnan. Dahil alam nila, maraming maaaring baunin na aral sa mga maling karanasan. Kumbaga, hindi ka talaga nagkamali, ika’y natuto lamang.

4. Malakas ang loob sumubok ng bago o kakaiba

Sila ay may lakas at tibay ng loob na sumubok ng bago o kakaibang negosyo. Ngunit bago sumabak ay may sapat na kaalaman o pananaliksik. Hindi basta basta pumapasok sa isang bagay na hindi lubusang pinag-aralan.

5. May disiplina sa paghawak ng pera

Isa sa magandang katangian ng magaling na negosyante ay ang pagkakaroon ng disiplina sa paghawak ng pera. Mahigpit sa paglabas ng pera at sinisiguro na ang mga gastos sa negosyo ay talagang kinakailangan at risonable.

Hindi sila mawaldas lalo na para sa kanilang sarili bagkus lahat ng mga kita ay ilalaan sa pagpapalago ng negosyo lalo na sa unang yugto.

6. Hindi iaasa ang tagumpay ng negosyo sa iba

May kasabihan na kung may isang tao na may pinaka may malasakit na magtagumpay ang iyong negosyo, ito’y walang iba kundi ikaw.

Nauunawaan nila ang kahalagahan na hindi lubusang nakadepende sa kanila lamang ang pagpapatakbo ng negosyo. Ngunit hindi rin basta basta ipapaubaya sa iba ang pagpapasya lalo na pagdating sa mga mahahalagang desisyon na may kinalaman sa pagpapalago ng negosyo.

7. Marunong tanggapin ang kahinaan at magtiwala sa iba

Hindi ito salungat sa nabanggit na unang katangian. Hindi lahat ng magagandang katangian ay likas sa isang magaling na negosyante. Minsan ay mas mainam na ilipat ang ibang responsibilidad sa iba na mas magaling sa ganitong larangan.

Mas magiging makabuluhan ang oras ng bawat isa dahil inilalaan sa mas mahalagang gawain na may mas malaking epekto sa negosyo. At mas mabilis din matapos ang isang trabaho dahil mas bihasa at gamay nila ang isang naturang gawain. Ang pangkaraniwang gawain na inilipat sa iba ay kadalasang mga maliliit na bagay na kumakain sa oras nila.

Tip: Kung nahihirapan tukuyin ang mga gawain na maaaring ipasa sa iba, mag-isip ng mga bagay na lagi mong ipagpapabukas. Marahil ito ang mga gawain na sa tingin mo ay hindi sulit sa iyong panahon o hindi ka magaling sa larangan na ito.

8. May kakayahang umangkop

Sa kabi kabilang mga pangyayari sa paligid, ang mga taong may kakayahang umangkop sa pagbabago ay lamang ng ilang hakbang sa karamihan. Lahat ay kayang gawan ng paraan at hindi kailanman pinanghihinaan ng loob kung may balakid.

Ang “social media” tulad ng Facebook ay isang magandang halimbawa. Karamihan sa mga matatanda ay hindi bukas ang isipan sa ganitong plataporma dahil bago ito sa kanila. Ika nga ni Gary Vaynerchuk, hindi ka pinanganak na marunong magmaneho ngunit kaya naman itong matutunan.

9. Bukas ang isipan sa pagbabago; Mapagpakumbaba

Sila ay bukas ang isipan sa pagbabago. Hindi mananatili sa isang ideya na hindi na angkop sa kasalukuyan. Bagkus, gagawa ng paraan na ibagay sa kung ano man ang pangangailangan sa kasalukuyang panahon.

Isa pa sa mga katangian ng isang matagumpay na negosyante ay marunong tumanggap ng pagkakamali at magpakumbaba. Hindi mahalaga sa kanila ang pinagmulan ng opinyon. Lahat ay pakikinggan at uusisahin nang mabuti at pantay pantay.

10. May matinding motibasyon sa sarili

Ang mga matagumpay na negosyante ay may matinding motibasyon sa sarili. Sila ay nagpupumilit na gawin at tapusin ang isang bagay. Ang pagnanais nila na maging matagumpay ay hindi nagmumula sa ibang tao, kung di sa kanilang sariling hangarin.

Patuloy sila na babangon hanggang makamit ang kanilang hangarin. Magkaroon man ng mga balakid sa daan, hindi ito magiging dahilan upang sila ay tumigil sa pag-abot ng kanilang pangarap.

Gayunpaman, dahil sila ay mapagpakumbaba, alam nila kung kailan dapat umurong osumulong sa laban.

11. Hindi natitinag sa mga paninira

Hindi sila nagpapatinag sa mga paninira ng mga tao sa paligid nila. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay hindi sila marunong makinig sa mga pamumuna sa kanila.

Pinapakinggan nila ang mahahalagang opinyon tungkol sa kanila at binabalewala ang mga bumabatikos nang walang saysay.

Konklusyon: Katangian ng isang entrepreneur

Ang lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga naobserbahan sa mga kilalang maunlad na negosyante.

Ang hindi nabanggit sa itaas ay ang kakayahan ng mga magaling na negosyante na balansehin ang lahat nang ito.

Kung may karagdagang katangian ng isang entrepreneur na wala sa listahan, maaari kayo mag-iwan ng komento sa ibaba. Ang iyong mga palagay ay may malaking maitutulong sa ating komunidad.

Read more, select a topic:

Personal finance and investments

Business economics and the entrepreneur mindset

Real estate investing and property management

Favorite books – notes and takeaways

Signup for our newsletter!

11 Katangian ng Isang Entrepreneur: Paano Maging Matagumpay na Negosyante (Tagalog) (6)

Share on FacebookTweet

11 Katangian ng Isang Entrepreneur: Paano Maging Matagumpay na Negosyante (Tagalog) (9)Follow us

Related Posts:

  • Is Entrepreneurship for Everyone? (10 Tips to Make…
  • Post-COVID: How to Register a Business in the…
  • Should You Manage Your Properties or Outsource the Work?
  • The 200 Best Real Estate Investment Quotes for…
  • The E-Myth Revisited: Why Most Small Businesses…
  • Mall Space Rental in the Philippines: Things to Know…
11 Katangian ng Isang Entrepreneur: Paano Maging Matagumpay na Negosyante (Tagalog) (2025)

References

Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Nathanael Baumbach

Last Updated:

Views: 5932

Rating: 4.4 / 5 (75 voted)

Reviews: 90% of readers found this page helpful

Author information

Name: Nathanael Baumbach

Birthday: 1998-12-02

Address: Apt. 829 751 Glover View, West Orlando, IN 22436

Phone: +901025288581

Job: Internal IT Coordinator

Hobby: Gunsmithing, Motor sports, Flying, Skiing, Hooping, Lego building, Ice skating

Introduction: My name is Nathanael Baumbach, I am a fantastic, nice, victorious, brave, healthy, cute, glorious person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.